Martes, Agosto 23, 2011

BANCHETTO

           
FRIDAY GOOD TIME!
Ang sarap kumain dba?! As of now nageexercise na ako at tamang diet palang hindi gutuman. Monday to Friday umaattend ako ng aerobics. Second week ko palang at nag eenjoy naman ako. Unang plano ko mag evry other day ako pero unang session palang nag enjoy agad ako hanggang sa evryday na ako nag aattend. Ang diet ko lang ngayon ay less rice compared sa ilan ilan pinggan ng rice na kaya ko ubusin ngayon ay isang cup ng rice nalang. Nasasanay na ang katawan ko sa ganun setup, napapansin ko kahit hindi ko sinasadya o takalin rice ko e sadyang onti nalang nalalagay ko sa plato ko :) bongga!! Yun lang, gusto ko lang ikwento pinagdadaanan ko ngayon. haha!

Ito na ang totoong kwento, ang banchetto! Bazaar ng mga pagkain. Ang saya. Nakakaumay. Busog kana habang tumitingin sa dami ng pagpipilian from pasta, pizza, viand, street food, pastries, cake, dessert, grabe lang :) Sa mga body conscious o vegetarian  marami din naman pagpipilian healthy food na binebenta dito. 
Una ko nakapunta sa banchetto located pa ito sa emerald ortigas pero pangalawang balik ko nalipat na sa megatent, pasig katabi lang ng renaissance tower. 


Mas masaya yun dating location ng banchetto nun nasa emerald pa ito. Mas maraming tao at panindang pagkain. Yun mga stall  nasa 2 hilera lang sa buong street ng emerald. Yun mga taong kumakaen nakaupo lang sa stairs sa entrance ng mga building sa emerald. Meron din option na maupo dun sa may garden hindi ko lang alam katabi nyang building.







Salamat sa mga kaibigan kong kadamay tuwing kainan!! my 2 bestfriends :)) Dan and Phril! <3







ANILAO TRIP

Sarap ma depress ng cousin ko nagyayaya mag out of town kasama tita namen the day after mag break sila ng boyfriend nya at ang good news.... TREAT NYA TONG TRIP NA TO!. So, galing ako school tinext nya ako na mag puerto galera kami nun din mismong araw na yun. Hindi sya excited dba! BIGLAAN! Pumayag ako pero sabi ko kinabukasan na lang. That night nagbago yun plano nag decide na lang kami mag anilao, batangas. 
island hopping

We stayed overnight in anilao outrigger resort located at Solo, Mabini batnagas. Masasabi ko affordable ang rates ng room nila, like for our room we paid 3800 inclusion of welcome drink and 2 breakfast meals, boat rental 1800 para sa island hopping. Sa food okay din american serving yun meals nila kaya swak sa busog :) Favorite ko yun adobong pusit, heaven to the max ang lasa, A MUST TRY!!! 
restaurant and bar
MASAYANG BATA!! SARAP MAG TRAVEL!!!