Huwebes, Hulyo 21, 2011

NUTRITION MONTH

Nutriton month nga pala ngayon, kung hindi pa ako umattend sa event ng preschool kong pinsan hindi ko pa maalala. Nagkaroon sila ng parade at talent contest gaya ng pagkanta, pagsayaw, coloring at pag drawing. Ang sarap bumalik sa pagkabata!! Sana naranasan ko din to :| GRR. londeh!

Mabalikan ko lang kabataan ko ha, hindi ako pinapalabas noon sa kalsada para makipaglaro o kahit pumunta ng kapitbahay. O nun minsan makatakas man lang ako at makipaglaro sa labas kahit may nagbabantay maya-maya maririnig ko na sigaw ni papa. "KAYEEEEE" grabe terror voice. Pagpasok ng bahay sigaw ang abot ko, ni minsan hindi naman ako napalo, ngayon na lang 21 years old ako kasi mas pasaway na ko. HAHA. Nasubukan kong lumabas kasama mga kaibigan  ko simula grade 6, 13 years old ako. Simula nun, namihasa na ako sa pagalis, kada weekend nasa bahay ng kaklase, megamall o galle, Hatid sundo pa ako nun hanggang grade 7. Pagdating ng sembreak ng hayskul ako nag give up na nanay ko. Kapag sinasabi kong may lakad ako tuturuan na lang ako ng sasakyan ko. At nun natuto ako mag commute, ABA!! hindi mo na ako mapipigilan sa paglabas :)) At balik tayo sa kabataan ko :) napaka mahiyaan ko noon yun tipong gusto mo nako sakalin sa sobrang hina ng boses ko pag kinakausap. Hindi ako sumasali sa mga extra curricular activities sa school. kahit mga family day. Sarap ko talaga pukpukin nun! HAHA. naiinggit ako pag nakakakita ng mga kid events na may kasamang themed costumes, parlor games at contests. Oo, sa school noon sankatutak ang mga activities na ganto pero ni isa wala ako nasalihan, wala ako lakas ng loob, hindi rin naman ako ineengganyo ng magulang ko sumali sa mga ganun events. ewan ko ba, busy sila sa buhay nila :) Sa pagkayod PARA DAW SA FUTURE ko, echos! :)) Na-appreciate ko naman yun :) haha. umaarte lang ako :) anyway... Nainggit lang ako sa mga bata dun sa school ng pinsan ko :) Proud na proud silang nakasuot ng gulay costume habang naglalakad sa initan. Haha.

MY  FAVORITE GULAY FASYONISTA GIRLS :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento